The hardest thing to do is being next someone you know you can't have

Home » Tags

ILANG TIPS PARA MAGKAROON NG PERA

September 1, 2008

Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap kumita ng pera at hindi mo ito mapupulot kung saan saan man. Narito ang ilang tips kung papano ka magkapera.

Tumaya ng LOTTO: 10 to 20 piso lang naman araw araw ang pwede mong gastusin.Kapag nanalo ka, MILYON lang naman mapapanalunan mo. Ito ay pwede lamang sa 18 anyos pataas. WAG mo akong kalimutan.

Magipon: Bat di mo subukang magipon? Sabihin nating 20pesos isang araw? Makakaipon ka ng 140 isang linggo. 980 sa isang buwan. At 11,760 sa isang taon. Mabuti na rin yun kesa wala, diba?

Wag Mahiya: huwag mahiya sa mga bibilhin mo. Kung cheap, edi cheap! Paki nila? Kung tinignan ka nila bilang panlalait, dilaan mo. Tutal hindi ka din naman nila makikita kinabukasan.

Kumain Agad: huwag ng hintayin na gutumin ang sarili habang wala sa bahay. Gagastos ka pa para lang sa pagkain. Nako, isang cup lang ng kanin ay walong piso na. Parang pamasahe diba?

Jeep: Kapag punuan sa jeep, sabhin mong ikaw ay “ESTUDYANTE” kahit hindi naman. Bakit? Kita ka ba ng driver habang nagmamaneho siya? Tandaang puno at siksikan kayo at pwede kang magtago.

Tamad: Kung alam mong walang gagawin sa school ninyo, bat ka pa papasok? Sayang pamasahe mo, tanga.

Parent: Kapag tinanong ka ng iyong magulang kung magkano ang gusto mo. WAG MAGADALAWANG ISIP. Sabihin mo agad ang gusto mo. Kung 5000, 5000 ang ibibigay nun. Kung hindi nila nabigay, magdrama at sabihin mong pabulong “Anak niyo ba ako, di niyo yata ako mahal eh“. Siguradong maaawa ang magulang niyo’t dadagdagan pa ang naibigay na nila sa iyo.

Magaral: Magtiwala sa sasabihin ko. Kapag nakapagtapos ka sa grado na UNO (1). Siguradong may maganda ka kaagad na trabaho. At pwede ka na magsimula ng magandang buhay.

Posted by elvis at 8:17 pm | permalink | comments[1]